Tuesday, February 8, 2011

Ang Ina

ano ba ang ina?Ano ang kanyang ginagampanan ng ina sa buhay ng bawat anak? Paano mo pinahahalagahan ang kanyang mga kahirapan para mayustosan ang iyong pangangailangan sa pang-araw-araw mong buhay?

*Ang ina ang siyang nag-aaruga sa atin mula sa kapanganakan hanggang sa iyong paglaki. Siya rin ang humuhubog sa iyong materyal at hindi materyal na bagay gaya na pagmamahal at pag-aaruga.

*Tandaan ninyo mga anak ang pagmamahal ng isang ina ay hindi kayang tumbasan ng kahit na anong bagay dito sa mundo. Hahanap-hanapin mo ang pagmamahal ng isang ina.Kahit na ikaw ay masamang anak hindi ka parin kayang tiisin ng iyong butihing ina pilit niyang ibibigay ang iyong mga kailangan kahit mahirappara lamang sa iyo at hindi mo lamang ito napapansin ang kanilang pagsisikap.ANO ANG GINAWA MO? ikaw ay nagbigay ng pasakit sa iyong ina.KAILAN MO PA SIYA MAPAPANSIN MGA ANAK KAPAG PATAY NA SIYA?Anak kung alam mo lang kong gaano ka niya kamahal.

*Kung mayroon kang problema sino ang hinahanap mo diba ang iyong ina?Amg ina mong palagina pinapagalitan ka at walang kwenta sa iyo. Ang mga kaibigan lamang ang maysilbi sa iyo.Ang ina mo na walang ibang ginagawa kundi pinagagalitan ka ,Ano ang ginagawa mo imbis na sundin mo ang kanyang pangangaral ng iyong ina tuloy ka parin sa pagrerebelde.Tandaan mo anak, hindi ka pagagalitan ng iyong ina kung wala kang ginawang masama.GANYAN MAGMAHAL ANG INA,WALANG INANG NAGHAHANGAD NG MASAMA SA KANYANG ANAK.Kung alam mo lang kung anu-ano ang kanyang mga isinasakripisyo ng iyong ina.

*Mula sa kanyang sinapupunan pinilit niyang mabuhay ka ng malusog.Kumain na mga masustansyang pagkain para lamang sa iyonoong nasa sinapupunan ka pa hanggang lumabas ka at inalagaan,binigyan ng gatas at kahit siya ay wala ng pera siya ay umuutang para lamang pambili na gatas mo.Kahit hindi siya kumakain ng okay lang sa kanya basta ang kanyang mag anak ay makakain ng tatlong beses sa araw-araw.